web hosting
short URLs
photo sharing
Sing Along Lyrics
Silvertoes
Pls. Don't Touch My Birdie
Harana
Sayang
Back to
[PAROKYA NI EDGAR]
Silvertoes
'Wag ka nang mag-alala
Hinding-hindi ako in love sa 'yo
Bakit ba pakiramdam mo pa yata
Lahat kami ay naaakit mo?
Miss miss pakitigil lang plis
Ang iyong pagpapantasya
Hindi ka na nakakatuwa
Papagulpi kita sa guwardiyang may batuta
Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan
Ang feeling mo'y sabik sa iyo,
ang lahat ng kalalakihan
Sorry pagpasensyahan mo na
Mali talaga ang iyong inaakala
Lahat kami ay nandidiri sa iyo
Ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento!
Di kami natu-turn on sa kutis mong tsamporado!
Di kami naakit sa labi mong garabucho!!!
O plis naman pakitanggap mo na lamang ang katotohanan
Na ganyan ka pinanganak
Huwag ka nang magpapanggap
na ikaw ay isang dalagang ubod nang ganda
Kahit alam naman natin na ang karakas mo
ay ubod ng sama!
Siguro nga naman ay may mas pangit sa 'yo
pero at least hindi sila nagpa-pacute katulad mo!
Nakakabadtrip ka! Nakakairita tuwing ika'y nakikita
di ko alam ba't ang laki ng ulo mo
Mag-ingat-ingat ka baka ikaw ay sagasaan ko!
[TOP]
Pls. Don't Touch My Birdie
Kapag ako'y nababato
Pinaglalaruan ko ang birdie ko
Ang cute-cute naman kasi
Kaya ko siya binili
My birdie is my bestfriend
Ang dami naming maliligayang sandali
Madalas ko siyang pinapakain ng birdseed
Mahal kita, o birdie ko, 'wag kang lalayo!
Refrain:
Don't touch my birdie
resist temptation please!
You don't have to grab my birdie
just call it! and it will come!
Ang birdie ko ay nakakatuwa
Parang cobra na mahilig mantuka
Kapag nilabas na mula sa kulungan
Tuluy-tuloy na ang aming kasiyahan
'Di naman ako madamot talaga
Ayaw ko lang na hinahawakan siya ng iba!
Ang birdie ko ay medyo masungit
Konting hawak lang ay siguradong magagalit!
Repeat Refrain
Huwag ka sanang magalit sa akin
Tuwing ang birdie ko ay aking hihimasin
Sana'y maunawaan mo
Mahal na mahal ko ang birdie ko
Pati mga itlog nito!
Don't touch my birdie
resist temptation please!
You don't have to grab my birdie
just call it! and it will come!(2X)
[TOP]
Harana
Uso pa ba ang Harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba `tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba...
Meron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas!
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma, naka-barong
sa awiting daig pang minus-one at sing-along...
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw!
At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko...
sa isang munting harana....para sa 'yo.
Hindi ba't parang isang sine?
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ikaw ang bidang artista
at ako ang iyong leading man
Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas...
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw!
At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko...
sa isang munting harana....para sa 'yo.
[TOP]
Sayang
Sayang! Bakit hindi kita niligawan?
Ngayon ako'y nanghihinayang!
Kasi naman, tatanga-tanga pa ako noon!
Walang humpay ng paghintay sa hindi
dumarating na pagkakataon
Lagi naman kitang nakakasama
Ewan ko kung bakit ba
wala akong nagagawa!
Kahit na napakadali mong kausapin
Ewan ko ba kung bakit
ang hirap pa ring aminin
Madalas naman tayong naglolokohan
Dinadaan ko lang sa biro
ang tunay kong nararamdaman
Kaya siguro hindi mo sineryoso
ang aking mga sinabi
'Yun tuloy walang nangyari
Sayang! Bakit hindi kita niligawan?
Ngayon ako'y nanghihinayang!
Kasi naman, tatanga-tanga pa ako noon!
Walang humpay ng paghintay sa hindi
dumarating na pagkakataon
Kakalipas lamang ng isang sem
Nung nakita kita na mayroon ibang kasama!
Magkahawak ang inyong mga kamay!
Ang dibdib ko ay sumikip!
Ang paglunok ko ay naiipit!
Aking napatunayan na nasa huli ang pagsisi!
Para bang gusto kong umiyak
Ngunit para saan pa?
Wala namang magagawa!
Sayang! Bakit hindi kita niligawan?
Ngayon ako'y nanghihinayang!
Kasi naman, tatanga-tanga pa ako noon!
Walang humpay ng paghintay sa hindi
dumarating na pagkakataon
[TOP]
©1999 O.P.M. Realms /
Ted Ayson
web hosting
•
domain names
•
video sharing
free online games
•
photo sharing
free blog
•
short URLs
'); document.write('
'); // document.write('
'); document.write(''); document.write(''); if (document.cookie.indexOf('fcseenpop') == -1) { pop_domain = document.domain.substring(document.domain.indexOf('.')); expiry_date = new Date(new Date().getTime() + 86400000).toGMTString(); // 24 hours document.write(''); document.cookie = 'fcseenpop=1; path=/; domain=' + pop_domain + '; expires=' + expiry_date; } } } // -->