Sing Along Lyrics

Ako Si Superman
Mahal Kita Maging Sino Ka Man
Malayo Pa Ang Umaga
At Kung Kailangan Mo Ako
Tayong Dalawa

Back to [REY VALERA]


border

Ako Si Superman

Kung akala mo'y nanlilinlang
itong puso ko...
'di mo alam kailangan kita
upang mabuhay sa mundo.

Darling kung iyong pagmamasdan
itong puso ko...
sasabihin sa 'yong kailangan kita
ikaw ang lahat sa buhay ko.

Refrain:

Ako si Superman 'pag kasama kita,
ngunit kung lalayo ka, sino ako?
Ako si Superman lakas na sa 'yo
ngunit kung lalayo ka
papa'no ako? (ohh ohh) (Repeat Refrain)

Kung akala mo'y nanlilinlang
itong puso ko...
'di mo alam kailangan kita,
upang mabuhay sa mundo.

[TOP]
border

Mahal Kita Maging Sino Ka Man

Ang pag-ibig ay sadyang ganyan,
tiwala sa isa't-isa'y kailangan...
Dati mong pag-ibig wala akong pakialam,
basta't mahal kita kailan pa man.

Huwag kang mag-isip ng ano pa man,
mga paliwanang mo'y di na kailangan...
at kahit ano pa ang iyong nakaraan,
mamahalin kita maging sino ka man.

Mahal kita, pagka't mahal kita
iniisip nila'y hindi mahalaga...
Mahal kita maging sino ka man.

Mali man ang ikaw ay ibigin ko,
ako'y isang bulag na umiibig sa 'yo
at kahit ano pa ang iyong nakaraan...
mamahalin kita maging sino ka man

Mahal kita, pagka't mahal kita,
iniisip nila'y hindi mahalaga
mahal kita maging sino ka man.

[TOP]
border


Malayo Pa Ang Umaga

Malayo pa ang umaga,
kahit sa dilim naghihintay pa rin
umaasang bukas ay may liwanang
sa aking buhay umaga ko'y aking hinihintay.

Sadya kayang ang buhay sa mundo
ay kay pait, walang kasing lupit
kailan kaya ako'y 'di na luluha?
at ang aking pangarap
ay unti-unting matutupad.

Refrain:

Malayo pa ang umaga, 'di matanaw ang pag-asa
hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko?
at sa dilim hinahanap
ang pag-asa na walang landas
kailan ba darating ang bukas para sa'kin?
Malayo pa ang umaga.

(Repeat Ref)

[TOP]
border

At Kung Kailangan Mo Ako

Mayro'ng lungkot sa 'yong mga mata
at ka'y bigat ng 'yong dinadala.
Kahit 'di mo man sabihin,
paghihirap mo'y nadarama ko rin.

Narito ang mga palad ko...
handang dumamay kung kailangan mo.
Asahan mong mayro'n kang kaibigan,
laging tapat sa 'yo.

At kung kailangan mo ako
sa oras ng iyong pag-iisa
kung naninimdim...
asahan mong ako ay darating

At kung kailangan mo ako,
sa sandaling bigo na ang lahat...
pusong kay tamis,
kailanma'y 'di kita matitiis.
Sa sandaling kailangan mo ako.

Narito ang mga palad ko...
handang dumamay kung kailangan mo.
Asahan mong mayro'n kang kaibigan,
laging tapat sa 'yo.

At kung kailangan mo ako
sa oras ng iyong pag-iisa
kung naninimdim...
asahan mong ako ay darating

Kung kailangan mo ako,
sa sandaling bigo na ang lahat...
pusong kay tamis,
kailanma'y 'di kita matitiis.
Sa sandaling kailangan mo ako.

[TOP]
border

Tayong Dalawa

COMING SOON

[TOP]
border


©1999 O.P.M. Realms / Ted Ayson