Sing Along Lyrics

Paraiso
Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
Mamang Kutsero
Kailan
Limang Dipang Tao
Tunay na Ligaya

Back to [RYAN CAYABYAB]


border

Paraiso

Return to a land called Paraiso,
a place where a dying river ends.
No birds there fly over Paraiso,
no space allows them to endure.
The smoke that screens the air,
the grass that's never there.

And if I could see a single bird, what a joy.
I try to write some words and create
a simple song to be heard
by the rest of the world.

I live in this land called Paraiso,
in a house made of cardboard floors and walls.
I learned to be free in Paraiso,
free to claim anything I see.
Matching rags for my clothes,
plastic bags for the cold.

And if empty cans were all I have, what a joy.
I never fight to take someone
else's coins and live with fear
like the rest of the boys.

Paraiso, help me make a stand.
Paraiso, take me by the hand
Paraiso, make the world understand
that if I could see a single bird, what a joy.
This tired and hungry land could expect
some truth and hope and respect
from the rest of the world.

[TOP]
border

Tuwing Umuulan at Kapiling Ka

Pagmasdan ang Ulan, unti-unting pumapatak
sa mga halama't mga bulaklak.
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
sa buong paligid tuwing umuulan.

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang 'yong ganda
kasabay rin ng hanging kumakanta.
Ma'ri bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa
hanggang ang hangi't ula'y tumila na.

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan.
Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil
ang puso kong nagliliyab.
Pag-ibig ko'y umaapaw damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka.

Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila,
ikaw ri'y magpapaalam na.
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa.
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi.

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa.
Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo.
Pag-ibig ko'y umaapaw damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka.

[TOP]
border


Mamang Kutsero

Mamang kutsero, sasakay po
kaming magkasintahan sa kalesa n'yo,
at lalakbay po saan man gusto.
Mula sa Luneta hanggang sa Ermita.

Mamang kutsero nadama ko
kamay ng aking nobya sa balikat ko.
'Wag pong lilingon baka mabangga pa tayo.

Kay sarap mabuhay ng kay lumanay
katulad ng kalesang kay bagal-bagal.
Wala kang problemang mababangga.
Kung dahan-dahanin marami ang ani.

O, mamang kutsero naiingit ako
sa kabayo't teknicolor na kalesa n'yo.
Kung nais n'yo magpalit na tayo,
sa akin ang kalesa, inyo na'ng nobya ko.
Sa akin ang kalesa, inyo na'ng nobya ko.

[TOP]
border

Kailan

Bakit kaya nangangamba
sa tuwing ika'y nakikita?
Sana nama'y magpakilala.

Ilang ulit nang nagkabangga,
aklat kong dala'y pinulot mo pa.
'Di ka pa rin nagpakilala.

Bawat araw sinusundan,
'di ka naman tumitingin.
Ano'ng aking dapat gawin?

Bakit kaya umiiwas,
binti ko ba'y mayr'ong gasgas?
Nais ko nang magpakilala.

Dito'y mayr'on sa puso ko
munting puwang laan sa 'yo
ma'ri na bang magpakilala

Bawat araw sinusundan,
'di ka naman tumitingin.
Ano'ng aking dapat gawin?

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?
kahit ano'ng aking gawin, di mo pinapansin.
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong
bitin na bitin? Kahit ano'ng gawing lambing
'di mo pa rin pansin.

[TOP]
border

Limang Dipang Tao

Limang dipang taong nagtutulakan
sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan, patungo kung saan,
di ko malaman

Sa aking dyipning sinasakyan,
mayroong natanaw na mama
Sa dinami-rami ng nagdaraan, ikaw pa ang nakita,
ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga, (may kasamang dalaga)

Para, mama dito na lang, bababa na ako
Para, mama dito na lang, heto ang bayad ko
(heto ang bayad ko)
Para na sabi, para na sabi, para mama
Para na diyan sa tabi!

Limang dipang taong nagtutulakan,
ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Tinatanaw ang pagakay mo
sa dalagang pinagseselosan ko

Sa pagmamadali nadapa ako,
sa bangketang kinatatayuan mo
Lumapit ka, at tinulungan ako,
at kita'y tinitigan (at kita'y tinitigan)
mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman?

Sorry, mama pasensiya ka na, akala ko'y asawa kita
Sorry, mama pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi (2X), sorry mama, sorry't napagkamalan ka

Limang dipang taong nagtutulakan
sa Abenidang aking kinatatayuan
nagaabang ng masasakyan
patungo kung saan, 'di ko malaman

Limang dipang taong naguunahan
sa unting sasakyang nagdaraan
sayang ang dyipning kanina'y lulan
at ngayo'y nagsisisi, sa aking pagbubusisi
malaking pagkakamali

Para, mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan
Para, mama sasakay po, limang dipang taong naguunahan
Para na sabi (2X), para mama, para na diyan sa tabi.

Para na diyan...

[TOP]
border

Tunay Na Ligaya

'Di ko pansin ang ang kislap ng bituin
'pag kapiling ka sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi
'di ko na nasisita.
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko.

'Di ko pansin ang bango ng hasmin
'pag kapiling ka sinta
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas,
hindi matataranta.
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
at ikaw nga tanging ikaw sinta.

Ikaw ang tunay na ligaya tanging ikaw sinta.
Umaga hapon kahit magdamag laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo.

'Di ko pansin ang bawat sandali
'pag kapiling ka sinta.
Bagyo't ulan kidlat at kulog man
'di napapasin sinta.

Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan.
Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka

Ikaw ang tunay na ligaya tanging ikaw sinta.
Umaga hapon kahit magdamag laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo.

[TOP]
border


©1999 O.P.M. Realms / Ted Ayson